Sinipag ako magkwento....
Naranasan mo na bang kapag nakikinig ka ng music, nakakakita ng pictures, nakakapanuod sa T.V, at nakikinig sa mga kwento ay parang naiinggit ka na gusto mo na din mainlove?
Katulad kita...naisip ko ng mali yung ganoon, pero sawa na din ako sa buhay na karaniwan kong ginagawa, madaming humahadlang sa mga plano ko, hindi ko pa mabigyan ng kasayahan ang sarili ko sa kadahilanang gusto kong makapagtapos ng walang iniintindi, natatakot akong makahadlang ang isang relasyon sa pag-aaral ko.
......
Tuwing makakarinig ako ng kanta, iniisip ko, kung sino balang araw yung kakantahan kong babae ng mga kantang gusto ko at gusto niya, kahit marami pang tao, Kapag Sumasayaw ako O gusto ko yung ginagawa ko, iniisip ko na gusto ko din magkainspirasyon kung bakit ko ginagawa iyon, Kapag nanunuod ng T.Vmadalas magka-ideya kung paano ko susurpresahin at kung anong gimik ang gagawin ko (nakahanda na sa utak ko para sa future kong relasyon), Kapag nakakakita ako ng pictures, sinasabi ko sa sarili ko na balang araw may makakasama din ako sa litratong iyan, yung tipong hindi lang ako yung stolen, yung stolen, pero KAMI na sweet.
Lahat ng iyan parang hanggang diyan na lang muna...
Hindi ko alam kung mapili lang ako, pero ang totoong dahilan ay Takot ako....Takot akong magrisk kasi ang iniisip ko ay baka kaya gusto ko lang magkarelasyon kasi naiinggit ako sa mga pictures, marami sa kabarkada ko ang may relasyon, madalas ako makasalubong ng couple sa UST, natatamaan ang pride ko na mas bata sa akin ang mga pinsan ko pero may mga GF na..
Hindi naman sa pagyayabang, pero nasa harap ko na lahat ng kasagutan, hindi naman nawawalan ng babae sa paligid, nandyan lang sila, kung tutuusin pipiliin na lang sa kanila or kalabitin ko tas sabihing gusto ko rin siya. Madaming nagpaparamdam, nahihiya na din ako na sila pang mga babae ang nagpaparamdam, narealize ko lang ito nung kolehiyo, madami din pala akong nasaktan nung High School, sa sobrang focus ko sa School Activities at karera sa eskwelahan hindi ko maisip at napansin na pare-pareho na pala sila ng pinapakita, ang tawag doon pagpaparamdam. Ang dami kong sinayang na pagkakataon, yung tipong gusto na ng barkada ko, kinontrol ko muna ang sarili ko. Patawad sa mga babaeng naghintay, di ko din kasi alam, kasi yung iba, hindi na ipinakita di pa sinabi, pero babae kayo e gawain namin yun :)). (hala may emoticon <) pero may natutunan ako sa inyo kaya laking pasalamat ko din. Nagpapasalmat din ako sa inyo na hindi ako sinusumpa at hanggang ngayon todo suporta, bilib din ako sa iba sa inyo na umamin. Nakakahiya talaga >.< (o may emoticon ulit)
Minsan iniisip ko din na paano kaya kung isa sa kanila ang makatuluyan ko,ano kaya ang itsura ng anak, paano ko siya proprotektahan sa masasamang tao, paano ko siya ihahatid, paano ko siya isosorpresa.
....
ang isa ko pang kinakatakot na sa sobrang dami ng activities ko sa school, magalit sila, hindi nila maintindihan, magtampo na wala ng oras para sa kanila...madaming isda sa pailigid, andyan na sila, ayaw ko pang sungkitin. ang nakakahiya pa sila na ang lumalapit....Nakakatawa nga kapag tinatanong ako ng mga tao sa paligid "ikaw? may GF ka na?" o kaya "Hui, bryan may GF ka na? isama mo dito sa japan para makita ng nanay mo", "Hui may Gf ka na? tayo na lang gusto mo? JOKE"..
masyado akong nakakulong sa mga takot ko, pero alam ko na balang araw, magkakarelasyon ako at makakapili na hindi ako pumasok sa relasyon dahil lang sa napapanuod sa T.V, nakikita sa pictures (Lalo na sa tumblr) at nakikita sa school...
hanggang ngayon hanggang inspirasyon muna ako, di ko kasi kayang pagsabay-sabayin, pero kung darating man siya o mahanap ko siya, ipagsisigawan ko sa mundong "HOY! ETO ANG GIRLFRIEND KO!"
-April 23, 2010

