Thursday, April 14, 2011

Reflection

Ako yung taong nabuo ng hindi siguro inaasahan ng nanay at tatay ko, pero gaya ng sabi ng "Purpose driven life" Walang baby na accident or accidenteng nabuo lang dahil sa dalawang pagkakamali ng taong nagmahalan, may plano si God para sa mga babies na pinapadala niya sa lupa.

Do you think it would be acceptable or unacceptable for me, a married man, to have sex with a woman who is not my wife?

Kapag nag-asawa ka na, dapat alam mo ang responsibilidad mo at obligasyon mo...alam mo din dapat kung ano ang tama at mali, ang tatay ko kahit na may asawa na siya, marami pa rin siyang babae, hindi siya nakukuntento, patuloy at patuloy niya pa din ginagawa ang mga bagay na alam niyang mali, dala ito ng Physical intimacy. Feeling ko kaya din ako nabuo dahil diyan.

Do you think it would be acceptable or unacceptable for me to have a meal with a woman not my wife and engage in extended conversation about each other's lives (likes/dislikes/struggles/pasts)?

Pwede naman siguro bastat alam mo yung limitation mo at alam yun ng asawa mo :) pero pag kasi likes, dislikes at struggles at past parang iba na iyon, kung sa tingin mong nahuhulog ka sa taong yun, ibig sabihin di ka pa kuntento sa asawa mo..

Nung single pa ang tatay ko, marami siyang ginawang kalokohan, isang malaking kalokohan na dito ay pakikipagSEX kahit hindi pa kasal, ayon sa bible ang katawan natin ay binigay ng diyos, ang katawan natin ay mismong si God, so kung hindi natin ito pahahalagahan parang di natin pinahahalagahan si God, kung basta basta lang, ay parang binastos na yung pagiging holy ng katawan natin. Alam ko sa sarili ko na di maiiwasan ang temptation , pero may mga ways para magawa iyon, hindi porket single ka ay pwede ng gawin ang mga bagay bagay. Dala natin ang pangalan ng diyos kung tayo ay isang Christian, pati yung mismong imahe niya.

Tayong mga lalaki ay ginawa para protektahan ang mga kababaihan, hindi para itake advantage yun. Isang pagkakamali na ginawa ng tatay ko na sa mura kong edad ay namulat na ako sa ganoong sitwasyon, kung ang bata ay walang tamang gabay, may possibility na sa mata nya tama yung ginagawa ng tatay niya. Akala ko dati ang mag-asawa ganoon talaga, pero iba pala ang sa nanay at sa tatay ko, masyado pa silang immature nung nabuo ako, sa murang edad nila hindi nila alam kung papaano ako ipagpapatuloy, laking pasasalamat ko na hindi ako pinalaglag. Malaki ang epekto ng pagpapakita ng role ng tatay sa bahay,lalo na kung ang anak ay lalaki, masyado pang maaga noong nakita ko ang mga problema sa pamilya, Hindi nagagampanan ng isang ama ang kanyang tungkulin, ito ang isang sitwasyon na maaring magtulak at makaapekto sa bata na gayahin na sa mata ng diyos ay kasalanan. Marami ng babae ang dumaan sa tatay ko, kasi hindi siya kasal sa nanay ko, hindi porket hindi kasal ay dapat pinagbibigyan at pinauuna ang init ng katawan ayon sa bibliya.

Sana kung ang dahilan lang ng pagpapakasal ay ang init ng katawan, hindi na dapat iyon ituloy dahil angpagpapakasal ay sagrado, ang pagiging single naman ay hindi ibig sabihin na pwede ng gawin ang lahat ng sa tingin mong kaya mo. hanggat maaari alagaan ang sarili mo, ireserba ito para sa alam mong tunay na mahal mo, yung taong ihaharap mo sa altar at sasabihin sa diyos na siya talaga ang mahal mo, hindi dahil sa init ng katawan, kundi sa pagiging katawan mismo ng diyos, magandang gawin na din ang pagiging modelo ng isang sagradong magasawa.

Malaki ang epekto ng Lalaking single o may-asawa (kasal man o hindi) sa pamilya, hindi lang sa pamilya, pati sa diyos, may mga kasabihang maaring masuway, sa pamilya naman, maaaring maging tama ito sa mata ng nakakakita, ang masama pa rito maaaring madungisan ang matang inosente at mapasa-pasa hanggang sa susunod na henerasyon ang ganitong gawain, yung tipong nakagisnan na, malaking pasasalamat ko sa diyos na ako bilang isa sa kabataan ay mulat ang mata sa ganitong sitwasyon, lagi kong iisipin na ang pag-init ng katawan ay maaring makaapekto sa kinabukasan ko at sa diyos, hindi na ako magpapakaplastic na wala akong init ng katawan, maaari mo din namang mabaling sa ibang bagay. Normal DAW sa lalaki ang malagay sa ganoong sitwasyon pero sana lagi nating isipin na ang pakikipagsex ay sagrado, hindi ito ginagawa upang makaraos lang, at laging tandaang ang kasabihang "Ang pag-aasawa ay hindi parang kaning mainit na isusubo at iluluwa kapag napaso".

No comments:

Post a Comment