Friday, April 22, 2011

si bryan bilang taga kuwento :|

Sinipag ako magkwento....

Naranasan mo na bang kapag nakikinig ka ng music, nakakakita ng pictures, nakakapanuod sa T.V, at nakikinig sa mga kwento ay parang naiinggit ka na gusto mo na din mainlove?

Katulad kita...naisip ko ng mali yung ganoon, pero sawa na din ako sa buhay na karaniwan kong ginagawa, madaming humahadlang sa mga plano ko, hindi ko pa mabigyan ng kasayahan ang sarili ko sa kadahilanang gusto kong makapagtapos ng walang iniintindi, natatakot akong makahadlang ang isang relasyon sa pag-aaral ko.

......

Tuwing makakarinig ako ng kanta, iniisip ko, kung sino balang araw yung kakantahan kong babae ng mga kantang gusto ko at gusto niya, kahit marami pang tao, Kapag Sumasayaw ako O gusto ko yung ginagawa ko, iniisip ko na gusto ko din magkainspirasyon kung bakit ko ginagawa iyon, Kapag nanunuod ng T.Vmadalas magka-ideya kung paano ko susurpresahin at kung anong gimik ang gagawin ko (nakahanda na sa utak ko para sa future kong relasyon), Kapag nakakakita ako ng pictures, sinasabi ko sa sarili ko na balang araw may makakasama din ako sa litratong iyan, yung tipong hindi lang ako yung stolen, yung stolen, pero KAMI na sweet.

Lahat ng iyan parang hanggang diyan na lang muna...

Hindi ko alam kung mapili lang ako, pero ang totoong dahilan ay Takot ako....Takot akong magrisk kasi ang iniisip ko ay baka kaya gusto ko lang magkarelasyon kasi naiinggit ako sa mga pictures, marami sa kabarkada ko ang may relasyon, madalas ako makasalubong ng couple sa UST, natatamaan ang pride ko na mas bata sa akin ang mga pinsan ko pero may mga GF na..

Hindi naman sa pagyayabang, pero nasa harap ko na lahat ng kasagutan, hindi naman nawawalan ng babae sa paligid, nandyan lang sila, kung tutuusin pipiliin na lang sa kanila or kalabitin ko tas sabihing gusto ko rin siya. Madaming nagpaparamdam, nahihiya na din ako na sila pang mga babae ang nagpaparamdam, narealize ko lang ito nung kolehiyo, madami din pala akong nasaktan nung High School, sa sobrang focus ko sa School Activities at karera sa eskwelahan hindi ko maisip at napansin na pare-pareho na pala sila ng pinapakita, ang tawag doon pagpaparamdam. Ang dami kong sinayang na pagkakataon, yung tipong gusto na ng barkada ko, kinontrol ko muna ang sarili ko. Patawad sa mga babaeng naghintay, di ko din kasi alam, kasi yung iba, hindi na ipinakita di pa sinabi, pero babae kayo e gawain namin yun :)). (hala may emoticon <) pero may natutunan ako sa inyo kaya laking pasalamat ko din. Nagpapasalmat din ako sa inyo na hindi ako sinusumpa at hanggang ngayon todo suporta, bilib din ako sa iba sa inyo na umamin. Nakakahiya talaga >.< (o may emoticon ulit)

Minsan iniisip ko din na paano kaya kung isa sa kanila ang makatuluyan ko,ano kaya ang itsura ng anak, paano ko siya proprotektahan sa masasamang tao, paano ko siya ihahatid, paano ko siya isosorpresa.

....

ang isa ko pang kinakatakot na sa sobrang dami ng activities ko sa school, magalit sila, hindi nila maintindihan, magtampo na wala ng oras para sa kanila...madaming isda sa pailigid, andyan na sila, ayaw ko pang sungkitin. ang nakakahiya pa sila na ang lumalapit....Nakakatawa nga kapag tinatanong ako ng mga tao sa paligid "ikaw? may GF ka na?" o kaya "Hui, bryan may GF ka na? isama mo dito sa japan para makita ng nanay mo", "Hui may Gf ka na? tayo na lang gusto mo? JOKE"..


masyado akong nakakulong sa mga takot ko, pero alam ko na balang araw, magkakarelasyon ako at makakapili na hindi ako pumasok sa relasyon dahil lang sa napapanuod sa T.V, nakikita sa pictures (Lalo na sa tumblr) at nakikita sa school...

hanggang ngayon hanggang inspirasyon muna ako, di ko kasi kayang pagsabay-sabayin, pero kung darating man siya o mahanap ko siya, ipagsisigawan ko sa mundong "HOY! ETO ANG GIRLFRIEND KO!"

-April 23, 2010

Monday, April 18, 2011

"Ako ay malaya, Ako ay Inlove"


(Wala kasi ako magawa kahapon ng madaling araw-napagconnect connect ko lang yung mga idea..inabot ako ng isang oras para gawin to, 5 papel ang sinayang, 16 na bura ng ballpen)

Basahin mo ito, tapos pag nasa dulo ka na, try mong basahin pabaliktad…para maunawaan mo kung bat ganyan ang title :)

Ako ay malaya

at masasabi na

walang gagawin at aalalahanin

kundi ang barkada.

Wala akong iniintindi,

lalo na sa pebrero,

walang pinag-iipunan,

di nagpupuyat dahil sa txt,

walang hinihintay,

walang limitasyon ang kilos,

Single and ready to mingle.

Ang tawag sakin……

“Wala pang karelasyon”

Sana dumating pa ang araw na

magkaroon ng minamahal,

mapagtanto na padalos-dalos na

magmahal ng katulad niya at

kapag kasama ko siya mahirap magpanggap

ang tunay na nadarama,

doo’y walang mangyayari kung di ko pa sasabihin.

Ako lang ang kumikilos

para alagaan ko ay siya lang,

kahit kasama ang barkada ko.

Mag-aaway nga lang kami,pero AYAW NIYA

maputol nga at mawala

ang aming relasyon.

at magtatampo, wala lang pala

hangga’t inaamo mo,

yayakapin mo ng mahigpit

“kasabay ng pagmamahalan

at mawawala ang galit”

at sasabihin din ….

na mahal niya ako

hindi niya mapakita

ang saloobin niya

pero alam ko lang

mamahalin niya din DAW ako.

Haaaay, Ako ay inlove.

Thursday, April 14, 2011

Reflection

Ako yung taong nabuo ng hindi siguro inaasahan ng nanay at tatay ko, pero gaya ng sabi ng "Purpose driven life" Walang baby na accident or accidenteng nabuo lang dahil sa dalawang pagkakamali ng taong nagmahalan, may plano si God para sa mga babies na pinapadala niya sa lupa.

Do you think it would be acceptable or unacceptable for me, a married man, to have sex with a woman who is not my wife?

Kapag nag-asawa ka na, dapat alam mo ang responsibilidad mo at obligasyon mo...alam mo din dapat kung ano ang tama at mali, ang tatay ko kahit na may asawa na siya, marami pa rin siyang babae, hindi siya nakukuntento, patuloy at patuloy niya pa din ginagawa ang mga bagay na alam niyang mali, dala ito ng Physical intimacy. Feeling ko kaya din ako nabuo dahil diyan.

Do you think it would be acceptable or unacceptable for me to have a meal with a woman not my wife and engage in extended conversation about each other's lives (likes/dislikes/struggles/pasts)?

Pwede naman siguro bastat alam mo yung limitation mo at alam yun ng asawa mo :) pero pag kasi likes, dislikes at struggles at past parang iba na iyon, kung sa tingin mong nahuhulog ka sa taong yun, ibig sabihin di ka pa kuntento sa asawa mo..

Nung single pa ang tatay ko, marami siyang ginawang kalokohan, isang malaking kalokohan na dito ay pakikipagSEX kahit hindi pa kasal, ayon sa bible ang katawan natin ay binigay ng diyos, ang katawan natin ay mismong si God, so kung hindi natin ito pahahalagahan parang di natin pinahahalagahan si God, kung basta basta lang, ay parang binastos na yung pagiging holy ng katawan natin. Alam ko sa sarili ko na di maiiwasan ang temptation , pero may mga ways para magawa iyon, hindi porket single ka ay pwede ng gawin ang mga bagay bagay. Dala natin ang pangalan ng diyos kung tayo ay isang Christian, pati yung mismong imahe niya.

Tayong mga lalaki ay ginawa para protektahan ang mga kababaihan, hindi para itake advantage yun. Isang pagkakamali na ginawa ng tatay ko na sa mura kong edad ay namulat na ako sa ganoong sitwasyon, kung ang bata ay walang tamang gabay, may possibility na sa mata nya tama yung ginagawa ng tatay niya. Akala ko dati ang mag-asawa ganoon talaga, pero iba pala ang sa nanay at sa tatay ko, masyado pa silang immature nung nabuo ako, sa murang edad nila hindi nila alam kung papaano ako ipagpapatuloy, laking pasasalamat ko na hindi ako pinalaglag. Malaki ang epekto ng pagpapakita ng role ng tatay sa bahay,lalo na kung ang anak ay lalaki, masyado pang maaga noong nakita ko ang mga problema sa pamilya, Hindi nagagampanan ng isang ama ang kanyang tungkulin, ito ang isang sitwasyon na maaring magtulak at makaapekto sa bata na gayahin na sa mata ng diyos ay kasalanan. Marami ng babae ang dumaan sa tatay ko, kasi hindi siya kasal sa nanay ko, hindi porket hindi kasal ay dapat pinagbibigyan at pinauuna ang init ng katawan ayon sa bibliya.

Sana kung ang dahilan lang ng pagpapakasal ay ang init ng katawan, hindi na dapat iyon ituloy dahil angpagpapakasal ay sagrado, ang pagiging single naman ay hindi ibig sabihin na pwede ng gawin ang lahat ng sa tingin mong kaya mo. hanggat maaari alagaan ang sarili mo, ireserba ito para sa alam mong tunay na mahal mo, yung taong ihaharap mo sa altar at sasabihin sa diyos na siya talaga ang mahal mo, hindi dahil sa init ng katawan, kundi sa pagiging katawan mismo ng diyos, magandang gawin na din ang pagiging modelo ng isang sagradong magasawa.

Malaki ang epekto ng Lalaking single o may-asawa (kasal man o hindi) sa pamilya, hindi lang sa pamilya, pati sa diyos, may mga kasabihang maaring masuway, sa pamilya naman, maaaring maging tama ito sa mata ng nakakakita, ang masama pa rito maaaring madungisan ang matang inosente at mapasa-pasa hanggang sa susunod na henerasyon ang ganitong gawain, yung tipong nakagisnan na, malaking pasasalamat ko sa diyos na ako bilang isa sa kabataan ay mulat ang mata sa ganitong sitwasyon, lagi kong iisipin na ang pag-init ng katawan ay maaring makaapekto sa kinabukasan ko at sa diyos, hindi na ako magpapakaplastic na wala akong init ng katawan, maaari mo din namang mabaling sa ibang bagay. Normal DAW sa lalaki ang malagay sa ganoong sitwasyon pero sana lagi nating isipin na ang pakikipagsex ay sagrado, hindi ito ginagawa upang makaraos lang, at laging tandaang ang kasabihang "Ang pag-aasawa ay hindi parang kaning mainit na isusubo at iluluwa kapag napaso".