Saturday, June 12, 2010

gumawa ako tula wala pa syang title


3:35 am-3:45 am May 21,10

Hindi ko maintindihan
Kung anong nararamdaman
May gusto akong gawin
Ngunit sa isip ko'y di linawin
Ang hirap ng aking sitwasyon
Ako'y binabagabag na ngayon
Maraming gustong ibalik
Sa aking ala-ala'y nananabik
Nakatulalang nananaginip
Sa mga ginawa'y naiinip
Kailan kaya ulit masisilip
Mga ala-ala sa aking pag-idlip
May mga gustong takasan
Hirap at pagsisising pinasan
At pag tapos mata'y imumulat
Sana'y humilom ang tanging pilat
Ang isip ko'y di magkamayaw
Walang makarinig ng aking paghiyaw
Sana sa aking pagising muli
Wala ng poot at hindi pa huli.

No comments:

Post a Comment