Tuesday, September 8, 2009

BAHA-y HABA (walang tigil na baha sa bahay)

andito lang ako sa bahay namin....nagising ako ng umaga....akala ko matutuloy nang walang pasok...birthday ko ngaun...pagdungaw ko sa bintana...muntik na malunod yung mata ko sa baha....sobra na ang baha ng malabon....taas sila ng taas ng daan....taas din ng taas ang tubig...kawawa naman yung mga tao...anong magagawa nila??...e bahain talaga ang malabon...pwede din silang huwag magtapon ng basura sa kanal....gaya ng bilin ng inyong mga lola...pero sa tingin ko makakatulong yun ng 1% lang...kasi kilala na ang malabon sa baha nito...mas nakikilala pa tayo dahil dito...imbes na makilala tayo sa pansit PALUBOG ng malabon ay este PALABOK..palabok nga ba? o iba pang pansit...haaay....

nakita ko ang lola ko sa baba ng dumungaw ako..kinakausap si janine...gusto ko pumasok...kaso mataas ang baha wala ako magagawa...kung merun lang botang hanggang baywang...pwede na ata akong magbangka dito...o kaya magpalutang ng barkong gawa sa papel....wala akong magawa kaya nagcomputer na lang ako...pero before ako magcomputer natulog ulit ako..pagdating ko sabi ng lola ko may pasok....pero pinapunta ko siya kela janine...sabi ko hindi ako papasok....balak kong maghalf day...kaso para san pa?...uu nga sayang yung lecture...kaso...yung pesteng prinsa dito ah hindi pa nagagawa..saan ba napupunta ang pondo ng malabon? pero kahit ganoon..idol ko si oreta...boto ako sa kanya...hindi ko alam kung bakit...siguro nalunod na ng baha yung utak ko....inisip ko kung maghahalf day ako...

OO! maghahalfday ako nung umaraw at lumiit baha...HINDI! ayoko na...tumaas yung baha ..umuulan ulit....isa pang dahilan ng gusto kong pagpasok ay ang baunan ko....naiwan ko lang naman siya sa aming magandang paaralan =)). iniisip ko ang expression ng mukha nila kapag naamoy nila ang napanis kong kanin at sabaw ng sinigang . ANU KAYA AMOY NUN?.....pumasok sa isip ko na siguro kapag pasok ko pinagtatawanan na nila ako...aasarin ako...pinaguusapan na ako doon...dahil sa umaalingasaw na sinigang sa baunan na naiwan dahil sa katangahan.....ang hirap kapag nagaalala ka...isa pa naman sa ayaw ko yung pinaguusapan ako ng hindi ko alam...basta...kaya kong pumatay pag nalaman kong ako yung pinaguusapan...dinaanan na ng lola ko ang baunan kaso...inakyat daw ng officer....saan kaya nilagay? kung ilalagay sya sa aming classroom siguro ay napagusapan na talaga ako.....ayoko ng GANUUUUNNN hindeeeeeeeee!!.....nakaasar lang talaga.....basta...hindi ko muna iisipin yun...iisipin ko kung papasok ako mamaya o hindi...

payo ko lang sa madalas nakakaiwan ng baon..: WAG MAGULAM NG SINIGANG! XD

No comments:

Post a Comment