Friday, August 28, 2009

Wednesday, August 5, 2009

adventure/today/happiest/loneliest/

umaga....nde ako pinalabas kasi may baha...may practice kami....kela dianne then punta kela masa....ok...so...naglusong sa baha gamit ang payong na halos singnipis ng tingting...narating ko yung kanto....peste....sumakay ako sa isang tricycle...pero bago un....(cloud cloud sa taas ng ulo)

Si AKO: manong magkano po niugan?
Manong: E magkano ba binabayad mo?..

(nyayks....manong...nde nyu nakita tanung ko??? tinatanung ko kung magkanu niugan...ung lugar mismo...so hindi ako nagpapahalatang tumatawa....so inayus ko na tanung ko)

Si AKO:magkano po ba?
Manong: Ah ung niugan malapit sa balsa?? magkano binabayad mo???

(ang nakaasar dito...alam kong nagprepretend lang ung manong na nde nya alam ung price...pero alam nya ung lugar at alam nyang one way un pero pwedeng dumaan nung dinaanan namin un...saka sumakay na kami dun e...tinetest ko lang yung manong...tsk nagfailed ata sya)

Si AKO:ahhh 20 lang po...
Manong: e 30?...o cge 25....25 binabayad sakin dun e...

(anu sense ng tanung nyu na magkano binabayad ko kung may sarili naman kaung idea sa ibabayad??....namemera ??? hayss)


hindi na ako kumibo....ayoko na makipagtalo dahil nagmamadali ako at late na ako sa time na pinagusapan...nkakaasar lang...25 na nga binayad ko...binaba pa ako sa labas malapit sa balsa...kasi reason nya aabutin daw tambucho nya!!! manong !! hindi pa abot sa binti ung baha...kalahati pa lang nde paa ko...ang baba naman ng tambucho nyu!! baka ingudngod ko kayu dyan sa tambucho nyu...hayss...so naglusong pa ako...25 siningil ...kapal! tsk/.....nakuh manung kong nde lang ako nagmamadali!

so aun...nakarating na ako kela dianne...may naglalaba sa garahe...tapos pumasok ako kela dianne then andun si karen nagiintay..kami pa lang pala....so pumunta kami kela nb at andun si nb at aron...after nun...dumeretso na kami kela masa....andun ung mga classmate ni kana...nagprapractice din para sa P.E "jai ho" ung sa kanila...after nun umalis na sila(sila kana at classmate nya)...dumating si ivy so nagpractice kami....medyo napagod at nagutom....nagambag ambag kami 20 pesos...para sa ulam.....bibili dapat kami friend chicken..kaso sarado pa....so dumeretso kami sa pinakamalapit na karinderya...bumili kami ng "menudo,ginataang langka,giniling at tokwa't baboy"....kami nila masa,karen at si ako ang bumili ng ulam...dumaan kami sa gilid para nde mabasa tsinelas..kaso!! may sense(irony) naman ung pagsalba namin sa tsinelas....galit sa baha dun ibang parte....so....after nun...bumalik na kami kela masa....nagprapractice sila...si josh nde pinayagan..si niccolo sumunod s practice...ai before that pala kumain muna kami....sa pagod nagutom kc ang daming ibat ibang steps na naimbento....so aun...kinain namin si ulam at si kanin......masarap ung kain ko at that time kc may kasama...after nun/....nagpractice uli....vinideohan namin sarili namin...

etung ung url >> http://www.youtube.com/watch?v=jydlhASG778

tapos wala kami magawa...haha..tawanan kami ng tawanan....after nun maaga kaming umuwi...dumaan kela tetay...masaya kela tetay kasi andun ung group nila russ at gica....so aun...nagtrip sila ng nagtrip...kumain ng maling at tinapay....nakakatawa si gica...haha may mga words syang binabanggit na sa isip namin iba ung meaning so medyo green....nilabas ni tetay ung hotdog na maliit...nakakatawa sila kc ganito...(dumating na ung 3rd group)

Karen: ay may katas! haha (habang kinakain ung hotdog)
Gica:bat ganun walang lumalabas??
Bryan: ay yung akin merun lumalabas...keso...
Gica: anggara walang lumalabas..ang liit (nde yan ung exact na sinabi nde ko na matandaan bsta something like that)

etuh na ung punch line!!!

SEAN: e paanuh pang matanda na yan...hindi na yan pang bata kaya tignan muh kulubot na ung hotdog

LAHAT: hahahahaha!


so aun...haha....masaya naman dun nanuod kami spongebob ....haha kahit kailan talaga idol ko ung gumawa ng spongebob....napakacreative kasi nya...so aun umuwi na sila....ako hinatid ko si tetay pauwi kc hinatid nya mga classmate kong uuwi na....tapos andun sila SEAN,MASA,BASTE,SOTO,TEDDY at NOEL...so aun sumabay na ako....pauwi..inabutan kami ng ulan....

habang pauwi...may papansit!!!! galit sa may papansin!!!...mga babae..ganito yan...

Girl 1: halika bilisan natin gusto ko makita yung mga lalaki
Girl 2: Bilis...!

(madami silang babae mga 5 ata...habang naglulusong kami sa baha at sila din sa baha...ng papalapit na sila...nadulas yung isang babaeng nakagreen)

7 BOYS (kami): hahahaha...
Girl 1:...(ung nadulas) aray ko...sabay takbo sa gilid...palibhasa napahiya...
Sean:papansit kasi ako...(papansin kasi yung girl)....kaya yan nadulas (nde yan ung exact na sinabi pero seomthing like that)

after nun nde pa din nakuntento...sumunod pa din...papansit pa din sila!!!...


Hanggang sa humiwalay na yung mga babae kc nsa tulay na kami...kakain ung anim na classmate kong lalaki sa star j...so sumabay na ako....napakahabang adventure un....naglakad lang kami...hanggang sa makarating kami sa tulay...haha ung iba sa amin...gustong tumalon dun...because according to baste merun daw nagpakamatay dun....so aun....nung pagbaba namin..may nakasalabong kaming long hair na lalaki may kasamang ibang lalaki....sbi nila magaling daw sa dota....inaya nila ako na kumain..so sumama na ako para adventure...

nung papunta na kami sa star j tawanan kami ng tawanan...hanggang sa kumain na sila...sa food express ng star J....may bago dun...bsta pizza stand saka ung iking stand..si teddy kumain ng noodles...and the rest shiowarma(ayan ung nakalagay sa banner)n tumutulo...si noel naman kumuha ng isang damakmak na tissue...pero sa huli...walang natira sa kanya...hahaha...nde na ako kumain..kc tinatamad ako....after nun...umulan ng malakas,,..naghati hati nanaman kami sa payong sa payong ko si teddy si baste si noel at si ako....sa pangalawang payong si masa si sean at soto.,...sbi nila pumunta na daw kami ng jollibee,,,sisilong lang...pumanik sila....ako bumili na lang ng french fries sa baba,,,pagkalabas namin nde na gaanu umuulan

(anggara kapag lalabas kami umuulan kapag sisilong kami nde umuulan....) ayun humiwalay na kami sa kanila...so...pumunta ako sa internet cafe kc magpapaprint ako....

after nun umuwi na ako at nagcomputer sa bahay....

niloko ko si janine ROSALEJOS ...haha inaway ko siya kunwari....tpos sa huli nilagay ko "anu pwede na ba sa THESPIAN?" hahaha club un ng mga umaacting....medyo naniwala siya dun...haha kaya successful ung acting ko...(xenxa na janine)....aun...kawawa naman siya kasi siya ung napili ko....kc may tiwala ako sa taong un...pero naintindihan nya sa huli...kaya tumatawa pa siya XD

cge dito na lang bb...

Tuesday, August 4, 2009

August 1, 2009….

Nakita ko si “X m.u.” sa star J (ever) actually nde naman nagging kami..nsa M.U. stage na kami nun e…tsk..binigyan ko pa kasi ng walang ka kwentang-kwentang test sa love…tsk…

Aun…pinipilit kong umiwas sa kanya…kasama nya sister nyang maliit at ung boyfriend nya…aun tumitingin sakin boyfriend nya…parang kilala ako…

Habang nakikita ko sya…wala lang parang may konting sakit pa akong nararamdaman kc…parang pinapakita nyang “hi bryan etuh si boyfriend…tsk…saying tau noh??”….tsk…nakakaasar..sayang talaga…kaibigan ko kasi un…tapos may gusto ako dun…tapos gusto nya din ako..minsan mga grade 5 or 6 ako nun…sinasabi nya “tayo na lang kaya?” hehe…ako naman medyo nagugulat pero gusto ko un….ginagamit nga naming yun para magselos si “EX” (iba yan…haha…)…so itong si “X m.u”…sabi nya “totohanin na lang kaya natin?”…tsk…nanghihinayang talaga ako….tinamaan ako sa quote ni bob ong na “huwag mong bitawan ang mga bagay na ayaw mong hawak ng iba”….tsk…

Sour grapes ako ngaun…pinipilit kong umiwas…pero nakikita ko pa din sya…kasi hinahanap nya talaga ako….kapag pupunta ako sa side na un….dun din sya papunta…kapag sa kabila…andun din siya….tapos nahuli ako sa aktong sumisilip kung wala ba sya dun….kasi sinisilip nya din ako kung andun ako…para lang magpakita….tapos kunwari nde ko siya nakikita…pero dumating ung time na sumigaw siya “keanna (name ng kapatid nya , nde ko alam kung tama spell) halika na…iiwan ka naming sige ka”….napatingin ako syet!!!....tapos tumingin sya sakin….iniintay nyang ngitian ko siya…so ngumiti na ako…ngumiti din sya…tsk…doon ko narealize na gusto ko sya…dapat nde ko siya pinakawalan…nakuha tuloy sya ng iba…haysss….ang gara talaga…. Tapos aun umiwas nanaman ako…papunta naman sila sa pwesto ko dahil naghahanap ata ng noodles…(teka!!! Ngaung month birthday nya!!! Waaa…)…hays….last guft ko sa kanya chocolates…saka parang key chain na minnie mouse na half ng heart….nasa akin pa yung half na heart na si mickey mouse….

Kawawa talaga ako…saying….sana baling araw…mapakita ko naman sa kanya yung magiging GF ko….(kahit nde naman sya nagyayabang na may BF na sya na parang sinasabing “pinakawalan mo kasi ako e”)….gusto ko lang ipakita kasi….para Makita nya na happy na din ako sa life ko…

Kaso…parang nde sya happy sa ganun..sa relationshuip nilang mag BF….kc..nakikita ko sa mga mata nya…kahit nagtagal sila…nde sya happy….kc…ung BF nyang un…bunga lang siguro ng tampo sakin….

Namimiss ko na talaga sya…huhuhu…hays….nde din ako happy…parang siya lang talaga yung “X m.u” ko na nasaktan ako ng konti kapag nakikita sya…

Bryan (angel): huwag ka magalala bryan…marami pa naman dyan
Bryan (devil): agawin mo…wag ka papatalo….
Bryan (angel) and Bryan (devil): alam ko na….maghintay ka na lang sa kanya…wag ka maging bayolente (violent)…wag ka rin padalos dalos…all you need is patience…sa huli malalaman mo din kung magiging happy ending ung love nilang magBF o sayo mapupunta ung girl…

Hays…kung anu anu na naiisip ko…may test pa ako sa UP bukas…tsk..

Till here

Bryan =[l] >>> [=] D >>>> =;(

Continuation…(Happiest Day of July)

Aun…oo nga pala naunang umuwi si jam,josh,ivy at Ng….napakanta si ivy at Justine at Karen dun ah….masaya talaga…hehe…madalas ko kasama si Justine…haha nag-akbayan….nagpanggap…haha XD,,nagtinginan ung mga tao…nakakatawa ung reaction nila…tpos..aun..inamoy ako ng inamoy ni alpha..mabango daw…may kaamoy daw ako….syempre..favorite kong pabango ung gamit ko…hehe…bsta ang saya saya talaga at that time…nagplaplano kasi kami mag bump-car…kaso ang mura(irony)…galit sa mahal!!...25 php..(nyaks…pasingit lang..may kumalampag kasi sa gilid ko…kakatakot wala naman tao…cge tuloy na..hanger lang un)..sabi ko maghati hati na lang kami…ayaw nila..after nun puro basketball ang ginawa ko…namigay ng token…tpos…CarnEvil…master na talaga e..sayang nde na nacontinue..inubos kasi nun pera ko..50 php ung napapalit kong token..naasar lang ako haha…pero masaya naman e…pero nakakahinayang mga 1/8 na lang life nung master…tapos nanghihinayang kaming lahat na nde icontinue..pero sa huli nde din nacontinue…ay before that pala….nagpin ball kami ni Justine…talo nga lang…hehe…1 beses lang naman…as in masaya talaga…pakiramdam ko..nabawi ko lahat ng stress days ko haha…kasi lagi akong busy..walang time sa mga ganun…tpos nun…
(peste…sa microsoft word ko tuh ginagawa kaya kung may errors..kasalanan ng Microsoft word..tagalog kasi ginagamit ko….e iniiba ng microsoft word…peste!)
Umuwi na kami…humiwalay sila Justine at alpha…so magkakasama kami nila tetay ,Karen,karizza,masa…kc humiwalay din si pearl…kasi tricycle sya…o sosyal diba??....tapos…parang may nasmell akong fishy sa kilos nila…parang may isang babaeng may crush sa isang lalaki…ewan ko lang kung totoo ung hula ko…(oi nde ako involve dito ah, nde ba?..pro nde rin siguro..bsta sila un)….nung uuwi kami…nakita daw nila si teacher jervie sa goldilocks….(tama ba spell?)…tpos..nung pauwi na kami…may dalawa kaming teacher na nakita…at guess who!!!?..c teacher jovy at teacher sol…si teacher sol naaninag kaming paparating..si teacher jovy busing-busy sa pagorder…so nakita kami ni teacher sol…..sinenyasan kami na akapin daw naming si teacher jovy…para magulat….pero ginawa ni masa…hinablot ung bag ni teacher jovy…kaya medyo nagulat…haha ..sbi nya sa kumukuha ng order sa pizza hut “pasensya na kau…nakakahiya naman dito pa kami gumawa ng iskandalo(nagbibiro sya with matching tawa)”…tumatawa lang ung kumukuha ng order…so andun kami..sa pizza hut…pinakita namin ung vid nila ivy at Justine nung kumanta sila…tawa ng tawa si teacher sol…sabi samin naglalakwatsa daw kami…at sabi ni teacher jovy,…evening class daw kami hahaha….tapos ayun…tumawid kami sa daan…iniwan na namin ang mga teachers….tapos mag go-go sign na(magrered na)..waaa….dali-dali kaming tumakbo…sabi ko kay Karen what if kung madapa ung isang tao sa gitna ng kalsada…few pahiya siguro un…tapos aun tumatawa kami sa kalsada….sumakay ng jeep..nde pinansin ung una ..ayaw kasi namin ng puno…tapos nakasakay kami sa jeep na walang tao…wala ding ilaw..biglang bumukas ung ilaw..nagulat si karizza…tapos..

[teka teka commercial…may narinig nanaman akong sumisipol…ung tunog sa yes FM…kapag may magjojoke…tsk…namiss ko tuloy cp ko…nde sa nawala sya..kundi nasira ung earphone…kaya un nde ako makapagpatugtog ng radio..]

Aun…nakasakay na kami sa jeep…nang malapit na sa bayan…pabawas ng pabawas,,,(sabi ko sa sarili ko..ayoko na matapos tung araw na ito..bsta iba ung ligaya ko e)…si tetay unang bumaba…sa ministop..malapit sa tulay…tapos pagbaba naman ng tulay…si Karen…sa malapit sa bagong pagtatayuan ng school…after nun.. si ako…si bryan pala…sa papuntang st. james pa ako nakababa…kasi nahihiyang magpara sbi ko kela masa at karizza “pwede ba ditong bumaba?” tapos sbi nila oo daw ..tpos sbi ni masa..”para” …aun…(ang pagkakaalam ko espanyol ung word na “para”…meaning stop..naririnig ko din yun sa dora the explorer…haha dati haha…tapos aun…bumaba na ako sabay sabi ni “cge ingat”…naglakad pauwi..malungkot na…pero may baong saya…kasi…sbi ko sa sarili ko “IBLOBLOG KO TOH”…haha…sbi din yan nila tetay at Karen….kc ilalagay nila sa blog..meaning nagenjoy din sila…masarap ung ganun..sama-sama…pero hindi pwedeng laging gnun…talagang paguwian..malungkot na….

Pagkauwi excited na akong magcomputer…binigay ko sa lola ko sukling 50 php…tapos akin ung 20 php para pangcomps…wala pa kasi akong internet..pinafollow up na siya…..tpos ayan….nakapagcomps na ako…nde na ako nagbihis…sa dara’s computer café…sister café ng data click..sa likod siya ng jollibee..mura kasi dun…tapos nde nagloloko internet…yan nagadvertise pa haha…(oi sponsor ko yang mga yan)…

After nun…pagbukas ko ng ym…walang nagpunta sa mc na nakaonline kundi si tetay…nde pa siguro nakakauwi…nag-GM ako n sana safe ung pag-uwi nila…nagbasa basa ng blog…tpos nagblog…kasi nde umabot ung time ko para matapos tung mahabang kwento…gus2 ko kasi detalyado…bumibilis na ako magtype kaso nde tama ung position ng fingers…kasi diba may duty ung bawat finger sa letters…pero nde ko un na susunod…kasi pag nagtytype ako madalas kong magamit ung hintuturo..sorry nagkwento na ako…balik tau dun sa blog…aun…nagtime na ako…kaya unfortunately sa bahay ko ginawa tung blog na tuh… sa Microsoft word kong nilalangaw na..peste..nauautomatic syang nababago…kaya ung word na “dito” nababago…nagiging “ditto” sows…e ang pagkakaalam ko..ung “ditto” name ng pokemon un…ung pinakamadaling idrawing na pokemon…para kasi siyang pink na bubble gum na niluwa…or pink na tubig na tumulo tapos kumalat..tapos nilagyan lang ng dalawang tuldok..at isang letter “c” na nakahiga…para sa smile…….kakaiba talaga nararamdaman ko ngaun..

Nde ko makakalimutan ung time na naglaro ako ng CarnEvil…sbi ko “ayoko na ayoko na…kapag nakakagat ako ng halimaw…lumilipad na parang paniking manananggal…clown na ulo lang..ghost na parang tanga dahil pag limipd kita ung underwear…pati na rin ung master na labas na ung buto at kalahati na lang ng ribs ang natira..pero gumagalaw pa…nagugulat ako dun…naprepressure ako….kaya nasasabi ko “ay ayoko na”,”ay baliw”…”siraulo kang halimaw ka”…”peste”…”tsk..wag mu akong kagatin”…”awts”..”ayoko na,tama na”..pero sige pa din ang pagbaril ko…ang mahirap lang naman sa game na un…e kailangan muh pang ireload ung bala…kailangan wag muh itapat ung sensor sa screen..para magreload…kaya medyo nakakagat ka na…pero tuloy pa din ang pagbaril mo…haha….kahit minsan wala ka nang bala…baril ka pa din ng baril…

Bsta nagenjoy tlga ako kasama sila…sana lagi na lang ganun..saka sana mas madami pa kami…kasi diba may kasabihang “the more, the merrier”…tama ba spell??...(minsan narinig ko yan sa pinsan ko…sbi niya “kuya dapat madami tayo maglaro ng patintero kasi “the more , the manier”..”)oo nga naman kapag madami ! mas madami..! haha…natawa ako sa pinsan kong yan…tpos aun…gus2 ko kasama ulit ung GF in pretension ko na si Justine haha..wala lang. namimiss ko agad e..(oi walang ganyanan…wag ka magisip ng iba)..

Medyo umabot na ng 3 pages ung gawa ko..este 4 na pala tuh…sa Microsoft word ah…ito na siguro ang pinakamahaba kong blog…haha..sa talang-buhay ko….kasi nagenjoy talaga ako…

“sana makasama ko ulit kau…sana masaya na lang lagi…sana ganun na lang…”

Cge hanggang d2na lang…mapapagod lng ako magcheck ng spelling kung hahabaan ko pa…saka inaantok na ako e…

“salamat sa mga taong kasama ko kanina July 25, 2009…ang saya talaga nun 4:30-6:45pm….sana nagenjoy din kau”

Sa mga nagbabasa sana nagenjoy din kau ah…hanapin nyu din ung happiness nyu sa mga kaibigan nyu,,,matuto kaung magshare ng kahit anung bagay…(in a proper way..wag ka pilosopo! Haha)…kasi ung mga bagay na yan…nde mo naman madadalala sa libingan mo….mawawaldas din yan…mawawala din yan,…pero once na nakapagpaligaya ka ng tao o kaya nagkaroon ka ng happy memories sa kaibigan mo…madadala mo yan hanggang sa huling paghinga mo…”(except na lang kung patay ka na o nagkaroon ka ng amnesia…o kaya memory gap…hehe..)…hangga’t nabubuhay tau…maging masaya tau…sabi nga ni alpha mababaw daw kaligayahan ko….kasi…ito yung way para itago mo ung kalungkutan mo…saka kapag nde ka laging tumatawa,,maaga kang tatanda…magkaka wrinkles ka…huwag naman din ung tawang para ka nang baliw…saka ung maling pagtawa gaya ng kapag may nadapa tatawanan mo(wag un)…in a proper way naman..

Bsta ang masasabi ko lang.. …sa mga naiinsecure sakin “thank you na din..keep on making me famous”…sa mga tfc subscribers…”thanks for watching Wowowee..haha”….at sa mga lamok na kumakagat sakin… “salamat ah!!..ang sarap e (irony)!”... sa mga kasama ko kanina “THANK YOU DAHIL PINASAYA NYU AKO..SA UULITIN!”

“live your life to the fullest”

Sunday, August 2, 2009

ang adventure sa U.P

ipopost ko ito wait ka lang...