Friday, April 22, 2011

si bryan bilang taga kuwento :|

Sinipag ako magkwento....

Naranasan mo na bang kapag nakikinig ka ng music, nakakakita ng pictures, nakakapanuod sa T.V, at nakikinig sa mga kwento ay parang naiinggit ka na gusto mo na din mainlove?

Katulad kita...naisip ko ng mali yung ganoon, pero sawa na din ako sa buhay na karaniwan kong ginagawa, madaming humahadlang sa mga plano ko, hindi ko pa mabigyan ng kasayahan ang sarili ko sa kadahilanang gusto kong makapagtapos ng walang iniintindi, natatakot akong makahadlang ang isang relasyon sa pag-aaral ko.

......

Tuwing makakarinig ako ng kanta, iniisip ko, kung sino balang araw yung kakantahan kong babae ng mga kantang gusto ko at gusto niya, kahit marami pang tao, Kapag Sumasayaw ako O gusto ko yung ginagawa ko, iniisip ko na gusto ko din magkainspirasyon kung bakit ko ginagawa iyon, Kapag nanunuod ng T.Vmadalas magka-ideya kung paano ko susurpresahin at kung anong gimik ang gagawin ko (nakahanda na sa utak ko para sa future kong relasyon), Kapag nakakakita ako ng pictures, sinasabi ko sa sarili ko na balang araw may makakasama din ako sa litratong iyan, yung tipong hindi lang ako yung stolen, yung stolen, pero KAMI na sweet.

Lahat ng iyan parang hanggang diyan na lang muna...

Hindi ko alam kung mapili lang ako, pero ang totoong dahilan ay Takot ako....Takot akong magrisk kasi ang iniisip ko ay baka kaya gusto ko lang magkarelasyon kasi naiinggit ako sa mga pictures, marami sa kabarkada ko ang may relasyon, madalas ako makasalubong ng couple sa UST, natatamaan ang pride ko na mas bata sa akin ang mga pinsan ko pero may mga GF na..

Hindi naman sa pagyayabang, pero nasa harap ko na lahat ng kasagutan, hindi naman nawawalan ng babae sa paligid, nandyan lang sila, kung tutuusin pipiliin na lang sa kanila or kalabitin ko tas sabihing gusto ko rin siya. Madaming nagpaparamdam, nahihiya na din ako na sila pang mga babae ang nagpaparamdam, narealize ko lang ito nung kolehiyo, madami din pala akong nasaktan nung High School, sa sobrang focus ko sa School Activities at karera sa eskwelahan hindi ko maisip at napansin na pare-pareho na pala sila ng pinapakita, ang tawag doon pagpaparamdam. Ang dami kong sinayang na pagkakataon, yung tipong gusto na ng barkada ko, kinontrol ko muna ang sarili ko. Patawad sa mga babaeng naghintay, di ko din kasi alam, kasi yung iba, hindi na ipinakita di pa sinabi, pero babae kayo e gawain namin yun :)). (hala may emoticon <) pero may natutunan ako sa inyo kaya laking pasalamat ko din. Nagpapasalmat din ako sa inyo na hindi ako sinusumpa at hanggang ngayon todo suporta, bilib din ako sa iba sa inyo na umamin. Nakakahiya talaga >.< (o may emoticon ulit)

Minsan iniisip ko din na paano kaya kung isa sa kanila ang makatuluyan ko,ano kaya ang itsura ng anak, paano ko siya proprotektahan sa masasamang tao, paano ko siya ihahatid, paano ko siya isosorpresa.

....

ang isa ko pang kinakatakot na sa sobrang dami ng activities ko sa school, magalit sila, hindi nila maintindihan, magtampo na wala ng oras para sa kanila...madaming isda sa pailigid, andyan na sila, ayaw ko pang sungkitin. ang nakakahiya pa sila na ang lumalapit....Nakakatawa nga kapag tinatanong ako ng mga tao sa paligid "ikaw? may GF ka na?" o kaya "Hui, bryan may GF ka na? isama mo dito sa japan para makita ng nanay mo", "Hui may Gf ka na? tayo na lang gusto mo? JOKE"..


masyado akong nakakulong sa mga takot ko, pero alam ko na balang araw, magkakarelasyon ako at makakapili na hindi ako pumasok sa relasyon dahil lang sa napapanuod sa T.V, nakikita sa pictures (Lalo na sa tumblr) at nakikita sa school...

hanggang ngayon hanggang inspirasyon muna ako, di ko kasi kayang pagsabay-sabayin, pero kung darating man siya o mahanap ko siya, ipagsisigawan ko sa mundong "HOY! ETO ANG GIRLFRIEND KO!"

-April 23, 2010

Monday, April 18, 2011

"Ako ay malaya, Ako ay Inlove"


(Wala kasi ako magawa kahapon ng madaling araw-napagconnect connect ko lang yung mga idea..inabot ako ng isang oras para gawin to, 5 papel ang sinayang, 16 na bura ng ballpen)

Basahin mo ito, tapos pag nasa dulo ka na, try mong basahin pabaliktad…para maunawaan mo kung bat ganyan ang title :)

Ako ay malaya

at masasabi na

walang gagawin at aalalahanin

kundi ang barkada.

Wala akong iniintindi,

lalo na sa pebrero,

walang pinag-iipunan,

di nagpupuyat dahil sa txt,

walang hinihintay,

walang limitasyon ang kilos,

Single and ready to mingle.

Ang tawag sakin……

“Wala pang karelasyon”

Sana dumating pa ang araw na

magkaroon ng minamahal,

mapagtanto na padalos-dalos na

magmahal ng katulad niya at

kapag kasama ko siya mahirap magpanggap

ang tunay na nadarama,

doo’y walang mangyayari kung di ko pa sasabihin.

Ako lang ang kumikilos

para alagaan ko ay siya lang,

kahit kasama ang barkada ko.

Mag-aaway nga lang kami,pero AYAW NIYA

maputol nga at mawala

ang aming relasyon.

at magtatampo, wala lang pala

hangga’t inaamo mo,

yayakapin mo ng mahigpit

“kasabay ng pagmamahalan

at mawawala ang galit”

at sasabihin din ….

na mahal niya ako

hindi niya mapakita

ang saloobin niya

pero alam ko lang

mamahalin niya din DAW ako.

Haaaay, Ako ay inlove.

Thursday, April 14, 2011

Reflection

Ako yung taong nabuo ng hindi siguro inaasahan ng nanay at tatay ko, pero gaya ng sabi ng "Purpose driven life" Walang baby na accident or accidenteng nabuo lang dahil sa dalawang pagkakamali ng taong nagmahalan, may plano si God para sa mga babies na pinapadala niya sa lupa.

Do you think it would be acceptable or unacceptable for me, a married man, to have sex with a woman who is not my wife?

Kapag nag-asawa ka na, dapat alam mo ang responsibilidad mo at obligasyon mo...alam mo din dapat kung ano ang tama at mali, ang tatay ko kahit na may asawa na siya, marami pa rin siyang babae, hindi siya nakukuntento, patuloy at patuloy niya pa din ginagawa ang mga bagay na alam niyang mali, dala ito ng Physical intimacy. Feeling ko kaya din ako nabuo dahil diyan.

Do you think it would be acceptable or unacceptable for me to have a meal with a woman not my wife and engage in extended conversation about each other's lives (likes/dislikes/struggles/pasts)?

Pwede naman siguro bastat alam mo yung limitation mo at alam yun ng asawa mo :) pero pag kasi likes, dislikes at struggles at past parang iba na iyon, kung sa tingin mong nahuhulog ka sa taong yun, ibig sabihin di ka pa kuntento sa asawa mo..

Nung single pa ang tatay ko, marami siyang ginawang kalokohan, isang malaking kalokohan na dito ay pakikipagSEX kahit hindi pa kasal, ayon sa bible ang katawan natin ay binigay ng diyos, ang katawan natin ay mismong si God, so kung hindi natin ito pahahalagahan parang di natin pinahahalagahan si God, kung basta basta lang, ay parang binastos na yung pagiging holy ng katawan natin. Alam ko sa sarili ko na di maiiwasan ang temptation , pero may mga ways para magawa iyon, hindi porket single ka ay pwede ng gawin ang mga bagay bagay. Dala natin ang pangalan ng diyos kung tayo ay isang Christian, pati yung mismong imahe niya.

Tayong mga lalaki ay ginawa para protektahan ang mga kababaihan, hindi para itake advantage yun. Isang pagkakamali na ginawa ng tatay ko na sa mura kong edad ay namulat na ako sa ganoong sitwasyon, kung ang bata ay walang tamang gabay, may possibility na sa mata nya tama yung ginagawa ng tatay niya. Akala ko dati ang mag-asawa ganoon talaga, pero iba pala ang sa nanay at sa tatay ko, masyado pa silang immature nung nabuo ako, sa murang edad nila hindi nila alam kung papaano ako ipagpapatuloy, laking pasasalamat ko na hindi ako pinalaglag. Malaki ang epekto ng pagpapakita ng role ng tatay sa bahay,lalo na kung ang anak ay lalaki, masyado pang maaga noong nakita ko ang mga problema sa pamilya, Hindi nagagampanan ng isang ama ang kanyang tungkulin, ito ang isang sitwasyon na maaring magtulak at makaapekto sa bata na gayahin na sa mata ng diyos ay kasalanan. Marami ng babae ang dumaan sa tatay ko, kasi hindi siya kasal sa nanay ko, hindi porket hindi kasal ay dapat pinagbibigyan at pinauuna ang init ng katawan ayon sa bibliya.

Sana kung ang dahilan lang ng pagpapakasal ay ang init ng katawan, hindi na dapat iyon ituloy dahil angpagpapakasal ay sagrado, ang pagiging single naman ay hindi ibig sabihin na pwede ng gawin ang lahat ng sa tingin mong kaya mo. hanggat maaari alagaan ang sarili mo, ireserba ito para sa alam mong tunay na mahal mo, yung taong ihaharap mo sa altar at sasabihin sa diyos na siya talaga ang mahal mo, hindi dahil sa init ng katawan, kundi sa pagiging katawan mismo ng diyos, magandang gawin na din ang pagiging modelo ng isang sagradong magasawa.

Malaki ang epekto ng Lalaking single o may-asawa (kasal man o hindi) sa pamilya, hindi lang sa pamilya, pati sa diyos, may mga kasabihang maaring masuway, sa pamilya naman, maaaring maging tama ito sa mata ng nakakakita, ang masama pa rito maaaring madungisan ang matang inosente at mapasa-pasa hanggang sa susunod na henerasyon ang ganitong gawain, yung tipong nakagisnan na, malaking pasasalamat ko sa diyos na ako bilang isa sa kabataan ay mulat ang mata sa ganitong sitwasyon, lagi kong iisipin na ang pag-init ng katawan ay maaring makaapekto sa kinabukasan ko at sa diyos, hindi na ako magpapakaplastic na wala akong init ng katawan, maaari mo din namang mabaling sa ibang bagay. Normal DAW sa lalaki ang malagay sa ganoong sitwasyon pero sana lagi nating isipin na ang pakikipagsex ay sagrado, hindi ito ginagawa upang makaraos lang, at laging tandaang ang kasabihang "Ang pag-aasawa ay hindi parang kaning mainit na isusubo at iluluwa kapag napaso".

Wednesday, December 29, 2010

new year!

2011, YEAH! HAPPY NEW YEAR!


SA MGA..KAIBIGAN,KAPAMILYA O KAPUSO MAN YAN !
KLASMEYT/BLOCKMATE
-sorry sa di pagsunod minsan
-sorry sa pagsagot kapag pinapagalitan ^_^V peace..
-sorry kung nabigo ko kau! lalim!nosebleed!
-sorry kung ung ibang gusto nyu hindi ko nagawa o nasunod
-sorry sa pagiging pasaway
-sorry sa pangaaway..
-sorry sa pangongopya..
-sorry sa hindi pagpapakopya
-sorry kung di ko kau pinansin nung nagpapatulong kau kc di ko tlga kaya..haha may dhilan pa?! haha
-sorry sa pagsisinungaling ko...hehe for good naman e..
-sorry kung nadamay kaung mapagalitan dahil sakin
-sorry sa pagiging irresponsible ko
-sorry sa pagiging mayabang ko..hehe kahit nde naman..mayabng ba?
-sorry sa pagiging mahigpit ko minsan
-sorry sa pagsusuplado.
-sorry sa pagbato ng papel sa ulo nyo kapag wala ako magawa
-sorry sa mga napatay kong lamok nung panahong pinapapak nyo ako
-sorry sa pagdating ng late minsan
-sorry sa guard na napagalitan dahil sakin(nung HS)
-sorry sa hindi pagsunod sa school rule
s-sorry sa mga teacher dahil minsan kumakain pa kahit nandun na sila sa taas
-sorry sa babae sa canteen sa pagiging mainipin kaya sumigaw dhil sa binibili(nung HS)
-sorry sa pagiging totoo ko..kahit nakakasakit sasabihin talaga-
sorry pag gusto kong masunod masusunod kailangan
-sorry team ko sa volleyball..kung sa tingin nyung nakatunganga lang ako
-sorry sa mga sir ko sa taekwondo sa pagiging pasaway(nung HS)
-sorry sa PAGIGING SENSITIVE KO MADALAS
-sorry sa pagiging makulit ko
-SORRY KUNG SA TINGIN NIYO PAASA AKO
-sorry sa mga naflirt kong babae, kung merun man
-sorry sa hindi pag attend sa subject niyo
-sorry kung minsan di ko tinatry best ko
-sorry kung tanga tanga ako sa pagkuha ng steps ng sayaw
-sorry kung naiingayan kayo sakin
-sorry sa pangaasar ko
-sorry sa pagiging matakaw
-sorry sa pagiging galitin ko
-sorry kung manhid ako
-sorry kung torpe daw ako :)))
-bsta sorry sa mga NAGAWA KO AT SORRY SA MGA NASAKTAN KO!

THANK YOU!

-dahil lagi kaung nandyan sinusuportahan ako
-thank you po sa pagmamahal ng pamilya ko especially sa nanay at lola ko
-sa masarap na pasalubong ni inay-
sa pagpapasaya sakin ng mga kapatid ko
-sa pagtulong sakin ni ate lysa..
-sa pagbibigay saki ng food kapag namumuraot haha!
-sa paghingi ko sa inyo ng favor
-sa pagtulong sakin sa school kapag nahihirapan
-sa pagpapakopya ng assignment!
-sa mga teacher kong walang sawang nagtuturo
-kay ariola at sa guard sa school sa pagiging mabait sakin(nung HS)
-sa volleyball at taekwondo teammates ko...sa pagtulong!(HS at college :) )
-sa pinsan ko na laging nandyan kapag inuutusan ko
-sa classmates na nanglilibre sakin! ipagpatuloy! swerte yan!
-sa mga nagbigay sakin ng gift! tnx ipagpatuloy!
-sa mga taong nagligtas sakin!
-sa pakikisama ng mga classmate.blockmate!
-sa prof na kahit na makulit kami ..nakikisama pa din!
-sa mga kasama ko sa school play at kay teacher sol(nung HS)
-sa mga nakasama ko gumimik! at sa binigyan ko popcorn!haha XD
-tnx kay ate delma sa pagtulong mo.
-tnx kay ate cheska,mabait yan.
-kay kuya piong,domo arigatou
-sa mga taong umintindi sakin dahil sa init ng ulo!
-sa mga taong hindi na lang sumasagot kapag nagsasalita ako at galit ako!
-sa mga taong nagbigay ng trust at love sakin
-sa pitong tangas (alam niyo kung sino kayo!)
-kay Caramel :)
-sa Intenzyc Danzerge FAMILY KO mahal ko kayo!
-kay coach Drei,Deo at Tina, thanks po
-sa profs, sa ust
-HUMILITY :) ansarap niyo kasama
-INTEG, yan alam niyo kung cnu kau :)
-Theresian- sa walang sawang pakikisama
-Thespian (theater members)- alam niyo yan! di ko kayo kakalimutan
-sa travel management friends ko....di ko na kau iisaisahin..
-sa mga naglilike ng mga kaekekan ko sa FB at Tumblr
-Tumblr followers ;) naaappreciate ko kau
-BSTA THANK YOU SA LAHAT LAHAT"KUNG HINDI MAN NABANGGIT NAME NYU ANDYAN PA DIN KC KAIBIGAN KO KAU O CLASSMATE/BLOCKMATE CHECK NYU!"SANA MATAPOS TUNG YEAR NA To NG MAAYOS!HAPPY HAPPY HAPPY NEW YEAR SA INYO! 2011
TRULY YOURS,
BRYAN G. MANALANSANG

Saturday, June 12, 2010

gumawa ako tula wala pa syang title


3:35 am-3:45 am May 21,10

Hindi ko maintindihan
Kung anong nararamdaman
May gusto akong gawin
Ngunit sa isip ko'y di linawin
Ang hirap ng aking sitwasyon
Ako'y binabagabag na ngayon
Maraming gustong ibalik
Sa aking ala-ala'y nananabik
Nakatulalang nananaginip
Sa mga ginawa'y naiinip
Kailan kaya ulit masisilip
Mga ala-ala sa aking pag-idlip
May mga gustong takasan
Hirap at pagsisising pinasan
At pag tapos mata'y imumulat
Sana'y humilom ang tanging pilat
Ang isip ko'y di magkamayaw
Walang makarinig ng aking paghiyaw
Sana sa aking pagising muli
Wala ng poot at hindi pa huli.

Friday, January 1, 2010

~nakita ko lang sa tumblr....~

It’s been more than half a year now and I’ve realized you weren’t strong enough to pull yourself out of the haze you fell into. There were days when I would have given anything for you to have just acknowledged the fact that I was alive, the fact that you were alive. I didn’t need you to laugh or to talk or to even get out of bed. No, I just needed proof that your soul was still buried somewhere underneath all that darkness. But you were nothing more than an abandoned hermit shell, hollowed of all self presence. You had fled the shore seeking different shelter from all the demons you’d yet to face. You’d deserted your body which was now an empty vessel of your self worth, and somehow, you managed to destroy everything you left behind, including me. Yet, despite all this, I can’t be angry with you. Because although I always said you chose the coward’s way out, you never did claim to be brave.

You wanna know a secret? Since the day “WE” ended. A part of me hoped that you’d come back. And me? Well, I really did wait for you. Just like I promised. But we’ve both gone too far to go back. You’ve changed. And I’ve changed, too. I don’t love you anymore. I know you don’t love me anymore either. You stopped a long time ago.

It took me a long time to figure all of this out, but now that I have, I guess it’s really for the best. Because now I won’t be stuck in the past, holding on to the days you made me laugh like a crazy person and to the days I’d fight with you, just because I think that you’re wasting so much money on the gifts you give me. I know it’s over and those things aren’t bound to happen ever again. Okay, maybe yes. But not with you.

I’m happy. Especially now that I’ve straightened all of this out. We gave it our best shot and we loved hard. It was beautiful. But now I’m free and you’re in-love. I’m letting go of you, my love for you and of course, the love we used to have.

Lesson learned: You gradually get over the pain. It doesn’t go away, not for a long time, but it becomes easier to live with. One morning you wake up and hes not the first thing on your mind. And then a few months down the line, you realize you’ve made it through half a day without thinking of him. Sometimes it takes months, sometimes years, but eventually you reach a point when you only think about him occasionally. You manage to do this because you don’t see them, you don’t hear about them, you try not to think about them. And then you bump into them walking down the street, or someone unexpected mentions their

name…and the memories come flooding back.

But memories also become less painful in time.

Tuesday, October 6, 2009

PANGYA!-yari

kaya ganyan yung title ng blog ko dahil namiss ko yung pangya....golf sya online game...nalugi ata kaya wala na...tinanggal na...

hmmm anyway....marami kasing pangyayaring naganap..pero natipuhan kong iblog ngaun mga nangyari..

nagliliparan yung mga ipis kanina...naalala ko blog ni sean...haha tungkol sa ipis..kasi nagliliparan sila dito...tas mga 8 ata...nde ko nabilang...estimate lang...yung isa pumanik g upuan ko...ginapangan ako sa likod...kala nya naman matatakot ako...ayun pinalo ko paalis sa katawan ko na parang walang nangyari...*kasalukuyang nagbabalikan sa pwesto nila..*

hindi naman kasi ako gaanung takot sa ipis...bsta...sanay na kasi ako...nung bata pa ako madalas akong gapangan nyan...ayoko lang talaga ng iistorbohin ako ng ipis kung may ginagawa ako...siguradong mapipisak sila sakin..kasi medyo may force lang naman ung paghampas ko sa kanila...ung tipong lalabas na yung white sa katawan nila tas didikit sila sa sahig xD...

may 2 akong kinakatakutan....ang GAGAMBA at ALUPIHAN.....hindi ako takot sa gagambang tingting at ung pinanlalaban ng mga bata na kulang na lang mahalikan nila ung stick na ginagamit...ang kinakatakutan ko ay yung mga kasing laki ng kamay na gagamba....ayoko nun....pati ung alupihan na mahahaba.....^_^...

sa umaga pag gumigising ako..hindi ako kaagad naguubos ng energy...gus2 ko tutunganga muna ako..."WAG NA WAG NYU AKO KAKAUSAPIN...TUTUNGO LANG AKO O KAYA SASAGUTIN KO NGA KAU O KAKAUSAPIN...PERO MAY HALONG TAAS NG KILAY AT SIMANGOT"...ayoko lang ng ganun...siguro pag nahimasmasan na ako pwede na ako kausapin...nahihimasmasan ako pag papasok na ako ng school...kaya pag dating sa school..un kausapin nyu na ako...minsan kapag pinaghahanda ako ng pagkain..tititigan ko sya ng 10 mins...saka ko lang isusubo pagfeel ko na xD..

nagprapractice kami ng dancing...medyo magpeperform lang naman kami ni ivy...tas kasali kaming LAHAT sa feast day...^_~ excited na ako...pero practiceful(haha irony ng humility yan<) naman kami!....

*scene*

sir leonardo: ok, anu ang pinakamalapit na star?

Classmate:(di ko kilala si noel ata ) STAR city

classmate:(hindi ko na ito kilala kung cnu) STAR margarine..

*biglang tahimik ang lahat*

Bryan: STAR J

*tawanan yung lahat*

wala lang naisipan lang namin gawing joke yung quiz...lahat kasi kami nagjojoke about sa quiz...merun ngang nagsabi..ung tawag daw sa balahibo ng pusa sa mukha "LUBLOB" ang ganda!!! isa yan sa irony namin...2nd level na ang nararating ng irony...

pag nakilala mo si sir EPOK...humility ka...o kaya may kaclose kang humility na nagdaldal sau....merun lang isa pang teacher ...si sir LOPOK!!!...xD..nde ko alam kung kilala nyu yan...masaya mag irony...hindi na mawawala sa buhay ko tuh...pero panuh kung nagcollege na??...paanuh kung ako na lang nagiirony??.....palapit na ng palapit yung bakasyon...parang gus2 ko na ayaw ko....marami ka kasing maiiwan...masama man o mabuti...

masayang mag irony....haha...may bagong action nanaman kami...yung kamay na parang *naghahail* xD...nakataob ang palad at biglang ibababa....nkalagay kasi yan sa talumpati(kumpas ng kamay)....

syeeett ang dami ko na palang activities na namiss...taeeee....nde ko lam gagawin ko...pag uwi ko pagod ako...gus2 ko maglog2....pero wala magawa...aun...

cge hanggang dito muna..bibili pa ako ng bond paper sa kanto...at gagawa ako ng math assign....at bukas ay papasok pa ako ng maaga para magpractice..

~end~

B